Saturday, September 22, 2012

empacho

Sa sobrang gutom, hahanap ka ng makakain.
Kahit di ganun kasarap, lalasapin mo ito na parang paborito mong pagkain.
Bawat subo, bawat kagat, talagang malinamnam.

Malas mo lang kung ang makain mo'y hilaw pa.
Kung sa bagay, pwede naman daw ang half-cooked.
Pero di ka naman banyaga para masanay kumain hindi luto.

Pag hindi nabantayan ang niluluto, sunog kang bata ka!
Kung sa kanin, ok lang ang medyo tutong. Pero pag prito o inihaw, uling na lang iulam mo.
Natuyo na ang sabaw ng nilaga, buti pa utak mo sabaw.

Malubha kung pagkain na ni muning at bantay' pinatos pa.
Makiamoy ka na lang kasi sa kapit bahay.
Ngunit miserable ka nang talaga kung pati panis nilantakan mo pa!

Anumang pagkain ang kinain mo,
Kailangan mo itong nguyain at lulunin, sa gano'y may mapala ka.
Ingat lang pre, baka di ka matunawan.

This is so freakin' hilarious

Gullibility is a failure of social intelligence in which a person is easily tricked or manipulated into an ill-advised course of action. It is closely related to credulity, which is the tendency to believe unlikely propositions that are unsupported by evidence.

Classes of people especially vulnerable to exploitation due to gullibility include children, the elderly, and the developmentally disabled.

I'm no longer a child, neither am  I an elderly. That just made me realize how developmentally disabled I am. I knew it! Lol

Wednesday, June 20, 2012

Caramel Macchiato with Extra Shot


strong and hot
deep but dark
bitter yet sweeter

creamy and yummy
pricey but worth'it
grande yet venti

sexy and strange
reserved but open
dreamer yet awake

a princess and a pauper
alone but a fighter
apart yet together

Espresso is the extra
The shot that gives me supra
My heart is in eureka

Tuesday, May 29, 2012

Mare - Mare!


BABALA: Ang susunod na tala ay nakakasira ng bait. Wag maniwala kung ayaw sumabit!
Dalawa lang ang kasariang kinamulatan nang marami, babae at lalaki. Ngunit aminin man natin o hindi, ang takbo ng mundo ay nagbabago. Ang bawat ideya ay nanganganak ng bagong konsepto. At ang bawat konsepto ay nagbubunga ng kakaibang kaalaman. Kasabay ng mga ito, ang pag-usbong nga tinatawag nilang ikatlong uri (third sex). Ngayon ay hindi na lamang babae at lalaki. Mayroon na ring bakala at tomboy.
May mga umapila pa nga na hindi raw dapat ikatlong uri ang bansag sa kanila. Kapag sinabi daw kasing Ikatlo, ibig sabihin may una at ikalawa. Animo’y parang rango o antas ng kakayanan, gayung isinusulong nga naman ang pagkakapantay-pantay sa lipunang sira ang timbangan. 
Habang nagkakaisip ako, alam kong hindi lang babae ang lalaki ang mayroon sa mundo. Natutunan ko ding maging bukas sa ideya na mayroon ngang mga bakla at tomboy. Ngunit sa aking hindi naman masyadongpagtanda, natuklasan kong hindi lang apat. Mantakin mo ang pagka creative ng mga tao, ang isa ay nagsanga pa sa iba’t ibang uri?
Tomboy. TBird. Tivoli. Tibo. Obit. Ka-on. Staradidi. Butch. Soft Butch. Femme. Pink. Blue. Shutanginemes-di-ko-na-alam-ang-iba-pang-tawag-sa-kanila! Sa madaling salita, silang mga Lesbyana. (present!)
Oo, masalimuot ang mundong ito, pero hindi ko na kailangang mag-aral ng sikolohiya o sosyolohika, (Kung tama man ang pagsasaling wika ko sa psycology at sociology. Haha!) para lang maintindihan sila. Sabi nga, you need to be like them, to understand them. Sabi nga sa isang pelikula, “I don’t have to understand the market, because I am the market.” Lol!
In no specific order, gusto ko lang ipaalam, ayon sa aking obserbasyon, ang iba’t ibang uri nila. Kayo na ang kumilala. Mayroong bihis lalake. Gupit lalake. Amoy lalake. Itsurang lalake. At pinipilit maging ugaling lalake, pero alam naman nating lahat na babae pa rin! Sila yung mga tipo na, given a chance, would really swap the scorpion for a snake. Ang mga type nila? Kadalasan, straight na babae. (wow ah! ruler bender? you already!) 
Meron namang mga subtle. Hindi tipikal ang damit nila. Not too much girly, but not too stiff like as the first. They are more stylish with their hair and knows how to play with it. Pabango nila? Unisex! Hahaha. They dress as comfortably as they could. Behave as carefree as they can. These are the types na tanggap nila ang limitations ng gender nila yet, enjoys what they are capable of. What they look for? Girls who love girls. Cheers!
Meron din namang di halata pero pag inobserbahan, lalabas at lalabas ang pagka dugong bughaw. Wala sa pananamit. Wala sa pabango. Wala sa buhok. Nasa kilos at galaw. Sila yung mga maangas na babae. These are the types that could have the best of everysides of the world but they only prefer one. Sigurado sila sa gusto nila kahit yung mga tao sa paligid nila nalilito pa. (refer nyo nga ako sa mga ganito. lol!)
Isa pang klase ay yung mga ubod ng arte na tibo. Kung may mga tibong akala mo lalake, may mga tibo din namang bihis babaeng babae, at walang bakas ng pag-aalinlangan pero ang gusto din naman pala’y babae. Kung magdemand pa nga ang mga ito sa kapwa nila tibo ay akala mo lalake ang lumiligaw. Kung magpahabol wagas. Kung maginarte walang kupas! Ate, wag mo namang kalimutang babae din yan. Kahit bihis sundalo yang naghahabol sayo, gusto din nyang maging prinsesa mo, ayaw lang umamin.
In random, may mga femme (tibong bihis babae) na nakakatakot. Malalaki ang katawan na kung lumandi sa mga tibo, nakakahilakbo. Halos kainin nila ang dance floor! May mga butch (tibong mukhang lalake) din namang feeling gwapo at mahangin pa sa mga lalake. Kung maglakad akala mo swabe, mukha namang pwe!
Mapa-babae man o lalake, bakla man o tomboy. Lahat ay iba iba pa rin sa pag-uugali. Sanga sanga ang karanasan. Walang pinipiling kasarian. Walang pinipiling pagkakataon. Walang tamang panahon liban sa ngayon. Lahat ay pantay panatay anuman ang iyong pagkatig.
Sa dinami dami nito, may isang katanungan pa din ang nais kong sagutin. Maari bang ang kaliwang paa ay sumawsaw sa kabila at ang kanan naman ay dito? HINDI! Walang bisexual. Ang babaeng bisexual ay straight pa rin. Sumusubok lang ng ibang baybayin pero lalangoy pa rin pabalik sa pang-pang. Ang lalaki namang sinasabing bisexual ay convicted. Nagtatago pa siya sa pag-asang magbabago pa ang panlasa.
Sa ganitong mga talakayan, mara-mare lang ang usapan. Walang taluhan. Di kita uurungan.

Sunday, May 27, 2012

tinta ng tibo│k


hindi ko alam kung kelan mo mababasa to,
hindi ko din alam kung babasahin mo pa ba..
hindi ko alam kung nasan ka ngayon at kung anong ginagawa mo.
hindi ko alam kung kilala pa kita o kilala ba talaga kita. 
hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko.
dati akala ko ang dami kong alam pero ngayon...
wala akong kaalam alam.


hindi ko alam kung bakit kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na tama na...
kahit anong saway sa akin ng mga kaibigan kong tantanan na kita..
tigilan na kita...
na tama na,
anong ginagawa ko ngayon?
eto pa din ako..


halos kagagaling palang ng mga galos ko.
kahihilom palang lahat ng sakit...
hindi ko inaasahang magiging ganito.
na yung patuyong sugat ay muling mabubuksan..
matutungkab at magiging sariwang sugat nanaman.
panibago.
at sa pagkakataong ito...
mas malalim.


alam ko kung paano mo sya minahal.
lahat ng sinabi mo pinaniwalaan ko.
nirespeto maging ang mga desisyong hindi ko maintindihan.
mga pangangatwirang walang katuturan..
ngayon tinatanggap ko na maski pagkakaibigan ay wala tayo.
nalulugnkot ako.
higit sa lahat, nasasaktan.
gusto kong ipaintindi sa sarili ko na dadaan ka lang.
na tapos na yung papel mo sa buhay ko.
na parte ka lang ng nobela ko.
feature story lang...


siguro nga feature story ka lang...
kahit anong gawin ko para gustuhin na maging bida ka,
di ko mapipilit isulat ang kwento na ayaw mismo ng tauhang napili ko para maging bahagi..
para ka talagang si Bessy.
at ako naman, ulol na si Lucas!
Mas malala pa ako kesa sa kwentong yun..
dahil ako at ang nararamdaman ko, totoo at hindi kwento lang.
nakakainis. nakakapikon.


pero hindi ako masukista bilang manunulat..
sa akin, tinitignan ko ang bawat anggulo ng storya.
iniintindi ang bawat bahagi ng kwento
hindi lang nagbibigay ng atensyon sa iisang tauhan.
bawat punto-de-bista ay pinag-aaralan.
binibigyan ng kahulugan.
hindi ako humahanap ng sakit.
inuunawa ko ang pinagmumulan nito,
dahilan upang hindi ako tumatakbo sa pinganggagalingan ng anumang pait.


kaya't kahit anong gawin mo Nesyl..
hindi ko makukuhang magalit sayo.
hindi kita makukuhang itakwil.
hindi kita magagawang kalimutan.
isa ka sa pinakamakulay na tauhan sa storya ng buhay ko.
alam ko kung sino ka, at anong klase kang tao.
aminin mo man o hindi.
andito ka sa talaan ko.
sa lahat ng nakasulat dito, yung pangalan mo ang pinaka madiin.
pinakamalalim.
pinakamahapdi ang pagkakatatak.


alam kong nasaktan ka.
nakita ko yun. 
alam ko kung gano mo sya kamahal.
napanuod ko yun. 
naramdaman ko yun.
kaya hinding hindi kita sinisisi sa kung anong klaseng tao ka ngayon.
hindi kita kailan man hinusgahan.


yung pagiging totoo mo sa akin sa mga nararamdaman mo...
sa mga karanasahan mo...
senswal man o pait ng kabataan mo..
ang katotohanan ng dugong itinatanggi mo sa pamilya mo..
ang reyalidad ng pagkatao mo...
at higit sa lahat ang katuparan ng mga pangarap mo..
sa personal mong buhay at ng taong pinili mong mahalin.
tinanggap ko, tinatanggap, at tatanggapin ko ngayon ng buong buo.


kung maari lang sana, ako na lang ang una mong nakilala..
ikaw na lang ang una kong minahal..
disin sana'y........


lahat may dahilan.
lahat may pagkakataon.
lahat may patutunguhan.


gusto ko nang magpaalam.
madaming beses ko na atang ginawa yun.
pero bumabalik pa din ako.
marahil tama ka, isa kang obsesyon.
nasidhi.
mahapdi.
matindi.


gustuhin ko mang sabihin na, 
"may mga nagmamahal na napupundi ang 4 sa 5 senses nila... sense of touch na lang natitira."
pang nobela lang yun...
o dugtungan ng mga salitang...
"higit ka pa sa isang libong bagay na pwedeng tanggihan ng isang taong tulad ko..."
sa pelikula lang yun...


madalas gusto ko nang maniwala na ang happy ending nasa isip na lang nga mga tao.
sa libro na lang mararanasan at sa pelikula na lang makikita..
pero sa kailaliman ng pakatao ko,
sa kaibuturan ng damdamin ko,
alam ko at naniniwala pa din ako... 
na maari parin tayong makadama ng totoo..
nang wagas..
nang walang alinlangan 
o anumang kasinungalig pagmamahal..


hindi man ngayon
hindi man bukas
pero alam ko, sa tamang panahon.
sa tamang pagkakataon.


mag-iingat ka.
alam kong kaya mo ang sarili mo,
pero pag hindi mo na kaya,
palagi mong tatandaan,
hindi mo kailangan mag-isa...


Monday, May 21, 2012

Bio From One Site


If I feel something I say it.
I write it.
I post it.
I blog it.


I was once a coward. Afraid of what others may think of me. Mainly afraid of rejection. Well, who says he's not? You're a liar!


I used to be a man-pleaser. (When I say man, I don't mean male homosapien. Gah!) 'Twas very tiring! Now I am free of religion and from people telling me what to do and what not to do.


I am definitely not an atheist nor agnostic. I believe in God and respect those people who genuinely respect other people as well. So let's leave it like that.


I am emotional. I don't pretend to be logical in decision making, because I know I am not. I am not unpredictable. I don't have moodswings. I am not a brat. 


I am sensitive to other people's feelings. I do everything I can to understand them and see beyond what they try to show. 
Behind those make ups. 
Behind those smiles. 
Those sun glasses. 
Behind the mask that each of us wear in front or other people.
I make it a point to know you better than others do, and even try my best to know you better than you know yourself.
I see beyond what meets the eye.
I look into the soul.


I am a friend. The first one to run towards you when the world has turned its back. I value friendship. I only have a few, but I will kill for them.


I am a lover.
of films, of music, of stories, of dreams, of passion.
I love deeply and give all that I can. 
Without limits. 
Without boundaries. 
I love unconditionally, yet I am not God. 
I am human. Frail and weak. 
I've got needs. I've got my own demands. I've got my own terms. I've got my own rules.
I believe that some rules are made to be broken and some people will come to break 'em. Maybe not just the rules...


I've been broken. Shattered to pieces. 
I bled. I shed tears. Tons of them.
Still I'm alive.
It didn't kill me but made me a better person. 
It made me a better me.
It made me wiser. Stronger. Tougher.


I am not perfect. I am impatient.
Since I say what I want when I feel something not good, keep out! Words are coming sharper than a sword.
I could kill you with it.


I mean what I say. I say what I mean.


My strengths are my weaknesses, and my weaknesses are my strengths.


What you see is what you get.
If you want it, come and get it.

Friday, March 30, 2012

ala alang malala

May mga bagay tayong hindi maalala, hindi dahil hindi ito mahalagang alalahanin pero dahil hindi ito makakabuti.
May mga bagay naman tayong ayaw na nating maalala pero pilit itong nagsusumiksik sa atin.
Tayo ang gumagawa ng mga pangyayari sa ating buhay. Tayo mismo ang pangunahing tauhan dito. Tayo din ang pipili ng mga eksenang kapapanabikan, o pagsisisihan.
Anuman ang kalabasan ng mga ala-ala, hindi mo ito maaring takbuhan. Kung hindi mo gustong tangkilikin ang sarili mong kwento, sino pa sa palagay mo ang babasa nito?

Tuesday, March 27, 2012

Halimaw

Ang pananaw ay mababaw
ng isang taong halimaw.
Kung sya'y sumigaw
ay pulos alingawngaw,
Sabayan pa ng pagsingaw
nitong utak nyang ampaw.
Wag nang mang-agaw
sa damdaming sabaw.
Pilitin mang magtampisaw
alam mong di sya hahataw.
Heto ngayo't nag-uumapaw,
kahit pa anong uhaw,
kung sa bawat araw,
nama'y walang kaulayaw.

Hey Stranger!

Hey stranger!
Where do you think you're going?
There's something you are missing.
Let me find that for you,
carry that for you,
and be the one for you.
We both act like in danger,
since destroyed by a lover,
so hey!
Let's just be together.

effusions while on a bus going home around 6:44pm

bugtong-bilog. bilog-bugtong

Dalawang beses natatanggap kada buwan,

pero dumadaan lang papunta kung saan.

Kung sanhi ng away ay napaka babaw,

ngunit kung manukso ay sadyang halimaw.

Sa buhay ito ay kailangan,

subalit panganib kung ito ang dahilan.

Bilog. Bilog. Kumakalansing sa aking bulsa,

Ayun nahulog, butas naman pala!



Originally published on legitimatevandalism.tumblr.com last Dec 17th, at 2010 1:21pm

isahang linya

“wag kang sumawsaw kung hindi ka marunong lumangoy!”


Originally published on legitimatevandalism.tumblr.com last Nov 12th, 2010 6:36pm

isahang linya

“Sa buhay, tatlong bagay ang napatunayan kong mahirap: gisingin ang nagtutulog-tulugan, tawagin ang nagbibingi-bingihan at pilitin ang nagpapapilit.”


Originally published on legitimatevandalism.tumblr.com last Aug 20th, 2010 11:44pm

Nung Bata Ako...

Sinong hindi nangarap maging doktor? Parang halos lahat ng bata nag-isip na maging doktor. Gagamutin daw ang may sakit. Nakakatawa pa, kunyari hindi yan iiyak pag may sugat na ginagamot para kunyari matapang sya. Ngayon napag-isip ko, hindi pala yung alcohol na nilalagay sa sugat ang mas nakakaiyak… Yun palang iniinom ang mas mahapdi.

Nung medyo natututo nang mangatwiran, naisip mong mag-abogado. Ang sarap ng pakiramdam makipagdebate. Yung tipong akala mong tama yung rule mo sa patintero pero wala naman talagang rule book yan. Paborito mo pang maging patotot (yung taya na nasa gitnang linya) hindi dahil ikaw ang bida, kundi dahil mas malaking teritoryo ang sakop mo at madalas kang pangilagan ng mga tumatawid dahil sa angkin mong kapangyarihan. Bata palang napaghahalata ka na.

Natagalan kang mag-abogado o doktor. Naisip mo ang tagal ng sampung taong pag-aaral para maging abogado o doktor. Bakit hindi na lang magdentista? Dr. pa rin ang nasa unahan ng pangalan mo at makakmit ito sa loob ng maiksing panahon. Limang taon lang ata o anim? Bakit hindi mo nga ba sinubukan? Pero alam mo, hindi naman talaga ang bibig ang problema ng tao, kundi ang mga salitang lumalabas dito kung saan walang gamot o pangontra.

Titulo lang pala gusto mo sa pangalan eh, edi Engr. na lang! Wow! Ang angas! May board exam pa yan na sabi ng iba walang kwenta daw ang course na walang lisensya pagkatapos. Anong saysay ng mga numero kung yung araw mo hindi mo mabilang? Hindi mo masukat kung ang desisyon mo ba ay aabot sa mga tinatantya mong dimensyon ng buhay. Hindi rin ito uubra. Makakita ka palang ng numero pumapalag ka na. One plus one lang naman ang usapan, pero nasan na yung ipaplus mo sa buhay mo? Bakit hanggang ngayon one ka lang?

Panalo din kung Architect ka. Kaso nang sinubukan mong magdrawing, puro drawing ka na lang. Wala ng natupad sa mga sinabi mo. Kaya lang ikinalulungkot kong sabihin tsong, sa buhay pag may mali kang naiguhit, hindi mo na mabubura yun. Gustuhin mo man, may isa o dalawang makakakita ng anino o marka ng maling linya o kulay na nailagay mo sa isang larawan.

Veterinarian? Doktor din yun, ng mga hayop. Baka dito pwede ka… sabi nga nila hindi mo maiintindihan ang pakiramdam ng mga aso hanggat hindi ka nagiging aso. Handa ka bang umamin na hayop lang ang makakaintindi sa mga asal na ginagawa mo minsan? Wag ka nang magkunwari dahil hindi naman talaga yan minsan… madalas…

Hindi ko alam kung bakit hindi pumasok sa isap kong maging nurse. Siguro dahil tingin ko sa kanila mahina, alalay lang ng doktor. Pero narealize ko sila nga yung nag-aalaga sa mga mahihina. Hindi ko rin kasi kayang magsuot ng puti, alam kong marumihin akong kumilos.

Isang bagay ang sigurado ako sa sarili ko bata palang ako. Kwento. Storya. Dayalogo. Itong mga bagay na ito ang mga umiikot sa sarili ko,s a utak ko. Lahat tayo may storyang nabubuo sa isip pero iilan sa atin ang handang magpahayag nito, iilan sa atin ang alam kung pano ito ilalagay sa mga titik na maiintindihan ng babasa. Mauunawaan ng makikinig at higit sa lahat, isasapuso ng mga maaantig.

Akala ko gusto kong maging doktor, abogado, dentista, engineer, architect, beterinaryo, pati jeepney driver, kundoktor ng bus at kung anu ano pang role na nilaro ko nung bata ako. Hindi pala yun ang gusto kong maging paglaki ko… Isusulat ko lang pala ang mga kwentong yun. Ang pangarap ng mga nangangarap pala ang gagawin ko. Masaya akong maipahayag ang nasa loob ko. May pera man dito o wala. May titulo man ang pangalan ko o wala. May magbasa man o wala. Basta ito ang gusto ko… at dito ako masaya, tumanda man ako mag-isa.

Originally published on legitimatevandalism.tumblr.com last Aug 8th, 2010 at 10:36am

Tahan an

Mainit nanaman ang araw. Katatapos lang ng bagyo at ang langit ay animo'y walang kibo. Sa tuwing ganito ang panahon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ako ba'y mapapayapa dahil sa tahimik na kapaligiran o mababalisa dahil walang hudyat ang mga pagbabago sa paligid na maaring maganap.

Mahirap sumilong sa isang konstrusyong kung hindi inaanay ay wala ng haligi at minsan pa'y madilim o pundido na ang ilaw nito. Sa ganitong pagkakataon, malaki ang bahagi ko upang magkaroon pa ng kapakinabangan ang mga nasa ilalim.

Noong isang linggo, bago pa man bumagyo, napakatindi ng init ng araw. Hindi ko alam kung paano kakayanin ang tindi ng hapding dulot nito. Walang kasing hapdi ang sikat ng haring araw na nakakatunaw sa bawat matatamis na pinagsamahan namin ng gabi. Pakiramdam ko ilang araw pa na hindi magbabago ang klima, baka hindi ko na kayanin. Buti na lang hindi buong araw mainit. Buti may tinatawag na gabi at buwan at bituin. Kung mahapdi ang araw, pagdating naman ng gabi... minsan ayoko na mag-umaga.

Hindi lang hapdi ng araw ang kailangan kong pagtiisan. Nariyan din ang lakas ng ulan. Matapos ang init ng araw, darating ang kulimlim ng mga ulap, maya maya pa'y may kasunod na itong kulog at kidlat. Hanggang sa malakas na buhos ng ulan. Ito yung mga pagkakataong gusto nang sumabog ng dibdib ko. Sinasabayan ko na lang ang pagbuhos ng ulan, sa ganitong paraan hindi nila namamalayang hindi lang pala tubig ulan ang bumabasa sa kanila.

Kapag malakas ang hangin, masalas sa kagustuhan kong makaalis dito, nais ko na lamang magpatangay. Ngunit nagingibabaw pa din sila sa akin. Hindi ko kayang umalis sa kinatatayuan. Paano na sila? Alam kong kailangan nila ako...

Wala na ngang haligi, hindi pa maayos ang ilaw... Hindi ko hahayaan pang mawalan ng bubong ang bahay namin.


Originally published on legitimatevandalism.tumblr.com last Jul 17th, 2010 at 1:36pm

Back for Good

I never stopped writing. I just stopped posting. I have been too busy doing lots of things that I forgot what I am here for. Now I am back and will never leave my first love. My companion. My everything.

I will import some of my writings here from my tumblr account, since I find this blog more appropriate. I will not care if anyone will read it, so long as I am still able to express what I want, that's gonna be more than enough.