Sunday, May 27, 2012
tinta ng tibo│k
hindi ko alam kung kelan mo mababasa to,
hindi ko din alam kung babasahin mo pa ba..
hindi ko alam kung nasan ka ngayon at kung anong ginagawa mo.
hindi ko alam kung kilala pa kita o kilala ba talaga kita.
hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko.
dati akala ko ang dami kong alam pero ngayon...
wala akong kaalam alam.
hindi ko alam kung bakit kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na tama na...
kahit anong saway sa akin ng mga kaibigan kong tantanan na kita..
tigilan na kita...
na tama na,
anong ginagawa ko ngayon?
eto pa din ako..
halos kagagaling palang ng mga galos ko.
kahihilom palang lahat ng sakit...
hindi ko inaasahang magiging ganito.
na yung patuyong sugat ay muling mabubuksan..
matutungkab at magiging sariwang sugat nanaman.
panibago.
at sa pagkakataong ito...
mas malalim.
alam ko kung paano mo sya minahal.
lahat ng sinabi mo pinaniwalaan ko.
nirespeto maging ang mga desisyong hindi ko maintindihan.
mga pangangatwirang walang katuturan..
ngayon tinatanggap ko na maski pagkakaibigan ay wala tayo.
nalulugnkot ako.
higit sa lahat, nasasaktan.
gusto kong ipaintindi sa sarili ko na dadaan ka lang.
na tapos na yung papel mo sa buhay ko.
na parte ka lang ng nobela ko.
feature story lang...
siguro nga feature story ka lang...
kahit anong gawin ko para gustuhin na maging bida ka,
di ko mapipilit isulat ang kwento na ayaw mismo ng tauhang napili ko para maging bahagi..
para ka talagang si Bessy.
at ako naman, ulol na si Lucas!
Mas malala pa ako kesa sa kwentong yun..
dahil ako at ang nararamdaman ko, totoo at hindi kwento lang.
nakakainis. nakakapikon.
pero hindi ako masukista bilang manunulat..
sa akin, tinitignan ko ang bawat anggulo ng storya.
iniintindi ang bawat bahagi ng kwento
hindi lang nagbibigay ng atensyon sa iisang tauhan.
bawat punto-de-bista ay pinag-aaralan.
binibigyan ng kahulugan.
hindi ako humahanap ng sakit.
inuunawa ko ang pinagmumulan nito,
dahilan upang hindi ako tumatakbo sa pinganggagalingan ng anumang pait.
kaya't kahit anong gawin mo Nesyl..
hindi ko makukuhang magalit sayo.
hindi kita makukuhang itakwil.
hindi kita magagawang kalimutan.
isa ka sa pinakamakulay na tauhan sa storya ng buhay ko.
alam ko kung sino ka, at anong klase kang tao.
aminin mo man o hindi.
andito ka sa talaan ko.
sa lahat ng nakasulat dito, yung pangalan mo ang pinaka madiin.
pinakamalalim.
pinakamahapdi ang pagkakatatak.
alam kong nasaktan ka.
nakita ko yun.
alam ko kung gano mo sya kamahal.
napanuod ko yun.
naramdaman ko yun.
kaya hinding hindi kita sinisisi sa kung anong klaseng tao ka ngayon.
hindi kita kailan man hinusgahan.
yung pagiging totoo mo sa akin sa mga nararamdaman mo...
sa mga karanasahan mo...
senswal man o pait ng kabataan mo..
ang katotohanan ng dugong itinatanggi mo sa pamilya mo..
ang reyalidad ng pagkatao mo...
at higit sa lahat ang katuparan ng mga pangarap mo..
sa personal mong buhay at ng taong pinili mong mahalin.
tinanggap ko, tinatanggap, at tatanggapin ko ngayon ng buong buo.
kung maari lang sana, ako na lang ang una mong nakilala..
ikaw na lang ang una kong minahal..
disin sana'y........
lahat may dahilan.
lahat may pagkakataon.
lahat may patutunguhan.
gusto ko nang magpaalam.
madaming beses ko na atang ginawa yun.
pero bumabalik pa din ako.
marahil tama ka, isa kang obsesyon.
nasidhi.
mahapdi.
matindi.
gustuhin ko mang sabihin na,
"may mga nagmamahal na napupundi ang 4 sa 5 senses nila... sense of touch na lang natitira."
pang nobela lang yun...
o dugtungan ng mga salitang...
"higit ka pa sa isang libong bagay na pwedeng tanggihan ng isang taong tulad ko..."
sa pelikula lang yun...
madalas gusto ko nang maniwala na ang happy ending nasa isip na lang nga mga tao.
sa libro na lang mararanasan at sa pelikula na lang makikita..
pero sa kailaliman ng pakatao ko,
sa kaibuturan ng damdamin ko,
alam ko at naniniwala pa din ako...
na maari parin tayong makadama ng totoo..
nang wagas..
nang walang alinlangan
o anumang kasinungalig pagmamahal..
hindi man ngayon
hindi man bukas
pero alam ko, sa tamang panahon.
sa tamang pagkakataon.
mag-iingat ka.
alam kong kaya mo ang sarili mo,
pero pag hindi mo na kaya,
palagi mong tatandaan,
hindi mo kailangan mag-isa...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment