Minsan may mga pagkakataon talagang magigising ka na lang tapos wala kang ibang maramdaman kundi pagod. Gusto mo na lang pumikit para wala kang maramdaman. Nakakatamad gumising. Nakaktamad huminga. Nakakatamad mabuhay. Ang dami mong kailangang gawin pero hindi mo magawa. Hindi mo maumpisahan. Nawawala at nauubusan ka ng dahilan para magpatuloy. Pero alam mong hindi ito dapat. Alam mong mas maraming magagandang dahilan para magpatuloy kaysa sumuko.Talunan lang ang sumusuko at kahit kailan walang sinuman ang gustong matawag na bigo. Hindi ako bigo. Hindi ako sawi. Minsan lang mas pinipili nating maging malungkot. Ang tumingin sa mga bagay na walang saysay kaysa ngumiti sa mga pangyayaring nagbibigay ligaya sa bawat sandali. Hindi dito natatapos ang lahat. Ang bawat nararamdaman ng tao ay lilipas din. Sa isang iglap maaring magbago ang lahat. Ngunit lagi mong tatandaan na mas totoo ang nararamdaman kaysa sa sinasabi ng utak mo na dapat. Kung hindi ka aamin at magpapakatotoo sa tunay na nararamdaman mo, daig mo pa ang sinungaling at walang binatbat! Ang bagay na hindi nakikita ay higit kailanman mas mahalaga kaysa sa mga bagay na dinidikta sayo ng paligid, ng sitwasyon, ng pagkakataon.
No comments:
Post a Comment