Wednesday, January 27, 2010

straight answers please

Can I hate you?
Cause I hate myself even more.
Why can't I just stop?
Cause I know you'll come back for more.
How do you want me?
Cause I have put my best foot forward.
What do you expect me to do?
Cause there's nothing for me to hold on to.
Who are you gonna be?
Cause I am just me.
When will you be free?
Cause nobody can ever save you.

Saturday, January 23, 2010

gaymunication



gaymunication

(pang) paraan ng pagpapalitan ng kuru-kuro at saloobin ng mga may sariling mundo at wika na pangkaraniwang tinatawag na nabibilang sa ikatlong pangkat - mga babaeng gusto ay pechay at lalakeng gusto ng saging.

Kung may Genderlect Styles si Deborah Tannen na nagsasabing iba ang paraan ng pakikipagugnayan ng babae sa lalaki, ako ay naniniwalang may Gaymunication. Ito ang kaibahan ng pakikipag-ugnayan ng mga bakla at lesbyana sa mga babae at lalake. (I don’t want to coin the term tunay na babae and tunay na lalake just to give emphasis on straight individuals. Being gays and lesbians do not make them fake man or woman. In fact, I’d rather consider them more genuine since they know what they want and accept who they really are. Admitting such does not make them less as a person!)

Sexuality is born but Gender is a choice. Every human being are born straight, until they are not.

Tuesday, January 19, 2010

they call me joy

Just finished watching "Ligaya ang itawag mo sa akin" a motion picture by Carlos Siguion-Reyna and written by his wife Bibet Oteza. It mirrors the hypocrisy in the society. On how people commit sin, and practically enjoy while doing it. But then right after the act, they go on with their rituals - shamelessly hide their filthiness. I find the plot simple but the dialogues heavy and deep.

Can't wait for the next picture.

Sunday, January 17, 2010

distance formula

Ang hirap ng malayo ang church. Gustong gusto kong magsimba pero hindi na kasya ang oras ko para sa mga dapat kong gawin. Hindi na din kaya ng katawan ko minsan. Ako ba ang lalapit sa church o yung church ang ilalapit ko? Pag pinili ko yung una, malayo nanaman ako sa pamilya ko. Malungkot yun! Pag yung pangalawa naman, ayoko nun! Mapapalitan pa yung mga babies ko, eh mahal ko yung mga yun!

Saturday, January 16, 2010

buhay

Minsan may mga pagkakataon talagang magigising ka na lang tapos wala kang ibang maramdaman kundi pagod. Gusto mo na lang pumikit para wala kang maramdaman. Nakakatamad gumising. Nakaktamad huminga. Nakakatamad mabuhay. Ang dami mong kailangang gawin pero hindi mo magawa. Hindi mo maumpisahan. Nawawala at nauubusan ka ng dahilan para magpatuloy. Pero alam mong hindi ito dapat. Alam mong mas maraming magagandang dahilan para magpatuloy kaysa sumuko.Talunan lang ang sumusuko at kahit kailan walang sinuman ang gustong matawag na bigo. Hindi ako bigo. Hindi ako sawi. Minsan lang mas pinipili nating maging malungkot. Ang tumingin sa mga bagay na walang saysay kaysa ngumiti sa mga pangyayaring nagbibigay ligaya sa bawat sandali. Hindi dito natatapos ang lahat. Ang bawat nararamdaman ng tao ay lilipas din. Sa isang iglap maaring magbago ang lahat. Ngunit lagi mong tatandaan na mas totoo ang nararamdaman kaysa sa sinasabi ng utak mo na dapat. Kung hindi ka aamin at magpapakatotoo sa tunay na nararamdaman mo, daig mo pa ang sinungaling at walang binatbat! Ang bagay na hindi nakikita ay higit kailanman mas mahalaga kaysa sa mga bagay na dinidikta sayo ng paligid, ng sitwasyon, ng pagkakataon.