Thursday, December 24, 2009

symphony of your own world

Last night, I figured out that the greatest invention for me would be the mp3 player. Ito nga dapat yung topic ko sa thesis with the same title above. It is a good companion than others, or sometimes it is even better. I have made a list kung bakit minsan mas masaya pang kasama ang mp3 player kaysa sa tao:
  1. You do not need to say anything to it para bigyan ka ng magandang music dahil ikaw naman ang pipili ng mga kantang ilalagay mo dito. Hindi tulad sa tao, minsan kailangan mong bolahin para maging okay kayo.
  2. The only time na hindi tutunog ang player mo kapag low batt na ito at hindi mo nacharge. Isa lang ang solusyon, icharge mo! Pero ang tao, naku! Pag yan inatake ng mood swing, patay ka na... kailangan mong mag-antay ng syam syam bago mo makausap ng matino.
  3. The music it plays have a subtle way of telling you how stupid you are. Aaliwin ka ng beat ng kanta at tipong matatawa ka na lang kasi nakakarelate ka sa tugtog mo. Kung tao yan, mapapamura ka kapag may sinabing hindi mo gusto o di kaya tatagos sa buto mo yung sakit at kapag mag-isa ka na lang marerealize mo kung gaano kabigat yung sinabi nya sayo.
  4. Your mp3 rides on your mood. Makakapili ka ng kantang babagay sa nararamdaman mo. Hindi katulad sa tao. Madalas hindi nila masakyan ang trip mo na tipo bang you have to explain yourself to them all the time para lang mainitindihan ka nila.
  5. Ang mp3 hindi magtatampo pag isang araw bigla mo na lang hindi ginamit at pinakinggan. Ang tao? nako! Hindi mo lang mabati ng maayos magtatampo na. Ma-late ka lang ng reply parang tanga na.
  6. Hindi din mabilis masira mp3. Siguro depende sa tatak at sa pag-iingat. Pero sa tao, madalas kahit anong ingat pa ang gawin mo, nasisira pa din. Minsan nga kung ano pa yung pinakaiingatan mo, yun pa ang nawawala.
  7. At kung masira man ang mp3 mo, ganun talaga, lalo pag madalas ginagamit... bili na lang ng bago. Pero pag sa tao, madalas kung sino yung lagi mong kasama, pag yun nasira at hindi na gumana, yun pa ang pinakamahirap tanggapin.
Ilan lang yan sa mga dahilan bakit naisip kong pinakamasayang imbensyon ng tao ang mp3 player. Anu mang tatak nyan, ipod, sony, creative, phillips o cd r-king, maging yung nabibili sa quiapo o divisoria pa yan, pareho lang tayo ng mp3 na tinutukoy. Sinu mang tao ang nasa isip mo, babae, lalake, bakla, tomboy, matanda, bata, may ipin o wala, tao pa din yan.
Basta ako, naaaliw ako sa mp3 ko at wala akong pakialam sa'yo. Isa pa, nakikibasa ka lang. haha

outburst

I love the people around me... my kuya, my tatay, and bunso. They are the ones that keep me smiling. I miss them a lot, though it's just been a week since I last saw them. Maybe the reason why I'm a bit bothered cause I know there is a small chance for me to see them tomorrow. No matter how much I wanted to spend Christmas with these people I love the most, I am still wishing I could have the means to go out with them. They are the ones who believe in me. I cannot let them down. Not even my nanay who entrusted the team to me. I cannot let her down as well. I am doing my best. I am giving my best shot for these people. My mom, to whom I would like to be the one to make her dreams come true; to give her the life she deserves. My mom, my queen. To my princess, you know who you are. I'd built my dreams with you, cause there is no one I see but you. You are my everything. My only thing. People just come and go but you, I would like you to stay. forever...

Saturday, December 19, 2009

Ikaw. Kayo. Ako.


Naalala ko nung una akong nagkaron ng ganitong space para magsulat. May mga tao akong gustong kausapin at sabihan ng mga bagay-bagay pero hindi ko magawa kaya dinaan ko na lang sa ganito. Ngayong araw, ganoon din nararamdaman ko kaya sisimulan kong magsulat ulit.

Ikaw, ang drama mo. Paulit-ulit na lang ng ganyan ginagawa mo. Hindi ka ba nagsasawa? Kaya mo naman kung gugustuhin mo, pero para kang sira kasi pinipili mo pa ang maging mahina kaysa tumayo sa sarili mong paa. Oo mahina ka. Kailangan mo ng lakas. Alam mo naman kung paano makakakuha non diba? Ano pang inaantay mo? Kilos na!

Ikaw, hindi ko alam kung anong iniisip mo ngayon. Hindi naman ako natutuwa sa kinahinatnan natin pero things happen. Ikaw lang naman talaga inaantay ko. Pero pakiramdam ko kasi hindi na dadating yung panahong inaantay ko sayo. Nakakapagod. Pagod ka na din. Tama lang na ganito na tayo. Okay na ako. Kakayanin ko. Natututo na rin ako. Balik ako sa pagsusulat. Minamahal ko na ulit ito. Salamat. Salamat sa lahat.

Ikaw, magulo ka. Magulo utak mo. Magulo nararamdaman mo. Naisin ko mang maging andyan para maliwanagan ka, tinataboy mo ako. You don't give me any choice. I wanted to be there for you and you know that. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka. Kung bakit ginaganito mo ako. Wala akong ginagawang mali sayo. Ang mali ko lang, hindi kita kayang talikuran. Nakakainis!

Ikaw, pag naalala kita napapangiti ako. Nakakaadik ka kasing titigan. In that simple way napapasaya mo ako ng wala kang ginagawa. Anytime I need to see your face I just close my eyes... Ooh I want you, I don't know if I need you but Ooh I'd die to find out... Perfect description yang kantang yan ng nararamdaman ko para sa'yo. But one thing that I will hate, I will not lose my pride to someone like you. So if you have any plans of doing it, ngayon palang titigilan na kita.

Kayo, sana maging masaya kayo sa buhay na mayroon sya. Ito naman yung gusto nyo diba? Hindi nya magawa yung gusto nya dahil iniisip niya kayo. Kayo ba inisip nyo sya? Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya? Gusto ko kayong murahin. Gusto ko kayong sugurin at ipamukha sa inyo ang maraming bagay. Gusto ko syang kunin at ilayo sa inyo. Pero kahit gaano ko kagustong gawin yun, wala akong laban. Hindi ako yung pinili nya. Kayo. Mahal nya kayo, utang na loob... ingatan nyo naman sya. Pakinggan nyo. Marami syang gustong sabihin sa inyo.

I am hoping after two weeks, tapos na tong drama na ito. It would be better kung mas maaga sa two weeks na taning ko sa sarili ko. Gusto ko na magsimula ng bago. Yung ako na lang talaga this time. Walang inaasahan. Walang ineexpect. Walang attatchments. I think I need that now.

Friday, December 18, 2009

the hit is on!

Since I am fond of writing, I have decided that it's about time to create a blog that is independent from any social network. My previous blog is through friendster.com. This has long been my plan and finally, here it is.

I'll be reposting my write ups from my old blogs in the next days to come and most probably write new ones.

These are the vandalisms of my mind, my superfluous effussions.